Sa isa kong boto taom bayan ang panalo.
KALAYAAN! Laging sigaw ng mga taong binibilanggo sa sariling bayan.
Noon pa man Malaya ang ating mga ninuno sa bayang ito. Subalit may mga dayuhan nagpupumilit angkinin ang ating bayan. Pilit tayong binibilanggo Dinitiktahan nila tayo kung ano ang dapat gawin. Pero hindi nagpatalo ang ating mga ninuno. May mga bayani tayong itinuring------ at umukit sa ating puso ang kanilang kagitingan at pinakitang Lakas at kabayanihan sa pakikipaglaban. Hanggang dumating muli ang oras, na tulad din ng mga dayuhan, kapwa natin mga pilipino unti-unti tayong binihag .Dahan dahang Kinukuha ang ating kalayaan, subalit may isang ama at ina na nagsimula naluwagan ang tali sa ating mga kamay at piring sa ating mga mata at alisin ang busal sa ating mga bibig, at hanggang tuluyan nang maalis ang mga ito.
Subalit meron nanamang nagtatangkang kunin ang Kalayaang ito.
Ako ay pangkaraniwang TaoMay pangarap at mithiin sa buhay.Pinag-iingatan ko na muling mawala ang kalayaan na malaya akong pumili ng magiging Pinuno sa minamahal kong Inang bayan, ayaw kong iilan lamang ang pipili para sa kaligtasan ng bayan at mamumuno sa bayan kong mahal.
Sa darating na eleksyon ang hinahanap kong kandidato ay may Puso at talino, maka-tao, makabayan at hindi nagnanakaw sa kaban ng bayan at syempre hindi nangunguha ng KALAYAAN.
Ikaw sino ang iboboto mo?
WATCH HERE FOR FULL VERSION OF AUDIO
Monday, November 30, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)