InternetRadio Music TwentyTen, Most Requested Songs Today!

Get Microsoft Silverlight

Thursday, December 3, 2009

Sintemyento ng Nagmamahal.

Matagal na pala, mahaba na ang nilakbay ng mga pangarap ko, mahaba narin ang nilakad ng mga paa ko, sampong taon na simula nang kami ay nagsama sa iisang bubong ng minamahal ko.

Isang gabi halos tahimik na ang kapaligiran subalit sa paligid ko ay sadyang napaka ingay, ingay na halos gumigising sa nahihimbing kong tulog, ingay na bumibingi sa aking pandinig, sa gabing payapa sabi nila, gabing halos matagal na pala akong natutulog, habang ang aking puso at isip ay gising; mali, mali pala ang nakagawian kong pagmamahal na akala ko ay tama, madaling araw na pati anak ko nga gising pa, naglalaro pa, nag iingay pa, sa tabi namin natutulog ang mahal ko ang ina ng nag iisang malikot, makulit at nakaka tuwang bata na kalong kalong ko. Sa di sinasadya, nagising si Baby (pangalan ng asawa ko).

"Gising pa pala kayo?" napamulat at napaupo na halatang malayo na rin ang nalalakbay sa pagtulog, "Anak mo gising pa" sagot ko sa tanong nya na malayong sagot subalit na intindihan nya. Habang abala ako sa kapi-pindot ng kamera Nag ku-kwento sya habang ako naman ay nakikinig at abala parin sa pagpipindot sa kamera, hanggang may tinanong sya, na hindi ko na intindihan at hindi ko rin na sagot. "Ano ba?" padabog na bulyaw nya nang may pag titimpi sa boses dahil gabi na at tulog na ang mga kasambahay namin. "Wala ka nang ginawa kundi ganyan, kakausapin kita kala mo tuod ka o pader" patuloy sa kanyang litanya. Habang ako naman ay nahinto sa ginagawa ko. "Para kang si Jimmy (ama ng panganay nyang anak) Masahol ka pa sa kanya, kakausapin mo wala lang, walang response". "Iba ako sa lahat" sa isip ko, "matino akong tao".

"Siguro kung lagi ako sa labas o kaya nag tratrabaho, siguro matagal na tayong hiwalay at nakapag hanap na ako ng lalaki na lagi sa tabi ko." "Lagi ka sa baba kundi mag komputer yan ang kinakalikot mo minsan lang tayo mag kwentuhan bale wala lang sayo". Oops marami na pala syang nasabi at hindi ko narin pwedeng isulat dito, basta ang kinalabasan "MAKASARILI KA". yung ang narinig ko sa kanya at malinaw kong nadama at tumagos sa aking puso.

Para akong nagising sa mga sinabi nya, Oo nga pala, hindi lang pala narito ako sa tabi nya at nakikita ko syang lagi ay masaya na ako, meron pala syang buhay at damdamin na kaylangan kong igalang na kung ano ang gusto nya para sa relasyon namin ay maramdaman din dapat nya.

Tinandaan ko ang lahat nang mga bagay na kaylangan kong punan sa aming relasyon; hindi lang pala . . . .

This Vlog Post is 80% Completed.....

No comments: