InternetRadio Music TwentyTen, Most Requested Songs Today!

Get Microsoft Silverlight

Thursday, January 7, 2010

Pagtatae = Paunang Lunas sa Pagtatae.

Ikaw ba ay natataranta?

Natatakot, Nahihilo, Naduduwal, Natatae o Nagtatae?

O kaya naman ikaw bay nakatulala, walang magawa sa buhay, o di kaya'y naiiyak dahil ang iyong anak ay Nag-tatae?

Pangontra at mabisang lunas sa pagtatae ng inyong anak  ang malusog at mabitamina na "Saging!" na ang pangalan ay "Latundan" or "Latondan" Hindi sya kalakihan at hindi rin sya kaliitan sya ay may hugis pahaba na pabaluktot na may manipisnipis na balat, Kulay luntian kung sya ay Hilaw at kulay Dilaw na mamulamula kung hinog naman at medyo nag iitim na mangitim ngitim naman kung ito ay nabubulok na. At ang lasa ay Mapakla kung Hilaw at Matamis naman kung Hinog. Maanta at maasim kung mabubulok na.

Maraming dahilan ang pagtatae ng inyong anak.

Tumutubo ang ngipin ni Baby.

Oops medyo malikot si baby kung ano ano ang sinusobo!

Hindi mo alam panis na pala ang pinadedede mong gatas kay Baby.

Hindi mo alam kung san mo nailagay ang pinakulong tubig ni baby at dahil maselan ang tyan ni baby ang napainom mo ay hindi pinakuluan.

Maraming dahilan pero isa lang ang kasagutan.

Pumunta ka sa Pedia at ipatingin ang iyong Baby.

Oops, Oh No! Wala pang sweldo si Daddy.

Uh! Sa Baranggay Center Libre. Ni resetahan ni Doctor pero walang pambili ng gamot.

pero bago paman lumala ang pagtatae ni Baby ang dapat gawin ay ganito:

Bumili ng saging na ang pangalan ay Latundan/Latondan.

Wag kang bibili ng Maniba lamang, o kaya naman ay Hinog.

"Ano ang bibilin, HILAW?"

Oops No, No! Ang bibilin mo ay Hinog na Hinog na.

Sapag kat ang maniba ay mapakla, ang Hinog ay Mapakla-pakla at syempre ang HILAW ay Mapaklang-mapakla. Pero ang Hinog na Hinog ay hindi na mapakla ito ay lasang matamis-tamis na.

Bakit Hinog na Hinog na, eh pwede naman Hinog lang!

Magka-iba ang lasa at Presyo ng Hinog na saka Hinog na Hinog na. Ang presyo ng hinog na ay karaniwang mabibili ng 1-1.50Php ang isang piraso o kinikilo, samantalang ang Hinog na Hinog na ay mabibili sa halagang 0.50php o Dalawang piraso ang Piso or mabibili ng 10Php isang tumpok. Ang Hinog na kung kakainin mo ay matamis at masarap pero kung gagawin mong Juice lumalabas ang tunay na lasa ng Hinog lang ito'y may kaunting pakla na baka ayawan ng baby nyo. Samantalang ang Hinog na Hinog na ay magandang gawing Banana Juice na talaga namang magugustohan ng inyong baby.

Okay! Habang bumibili ang inutusan mo at ngumangawa ang baby nyo ang dapat mong gawin ay:

Linisin ang gagamitin - ang Dede ni Baby, Ang Tsupon nya kaylangan ay medyo malaki ang butas kesa sa pangkaraniwan. Ang Grinder kung walang Grinder kaylangan ay pang durog sa saging. Lumamig na kumukulong tubig at syempre kaunting asukal!

Ang gagawin sa Saging na Latundan

Hindi mo ipapakain ng buo kase ayaw naman ni baby ng ganon lalo na kung may balat pa.


Sa 7oz. na Tubig with 1/4 na Dehydration Salt Table kung wala naman, Hwag nalang Okay narin pero maganda sana kung una or hanggang ika-apat na painom ng Banana Juice ay meron Dehydration Salt.

1. Balatan ang isa kung malaki at hanggang isa't kalahating saging kung maliit.
2. Hugasan kung kinakailangan.
3. Ilagay sa lalagyan ng Grinder o gilingan o pandurog ano mang klase na madudurog at magiging parang juice ang saging
4. Ilagay ang Tubig, ang 7oz ng tubig. Isama na rin ang asukal kung gamit mo ay asukal wag mong tatamisan baka naman magka diabetes si baby.
5. Pindutin ang Grinder at tignan kung; pag alam mong durog na ang saging na naging tulad nang Juice
6. Ilagay sa Bote ni baby.
7. Lagyan ng milk powder na tatlong malaking scoop na karaniwang gamit sa pang sukat ng gatas ni baby. Kung walang gatas asukal nalang na naayon sa tamis.
8. Isaksak sa bunganga ni baby. Hindi ang buong Bote ang dulo lang ng Tsupon.
9. Ulitin ang pag titimpla hanggang sa apat o pitong araw na pagtatae ni baby.
10. Mabuting ipatingin muna sa Pedia kung kinakailangan.

Pwede rin sa matatandang nagtatae. Kumain ka ng saging na Latondan kahit ilang piraso gusto mo!

Syempre kaylangan din ipainom ang riseta ni Doc. Huwag kakalimutan magpabili. Kung talagang walang pambili mangutang ka nalang. Kung walang magpapautang sayo, sige gawin mo nalang ang banana juice.

Ang pagtatae ay tumatagal ng tatlo hanggang limang araw o higit pa

Ang ipapainom na ginawang Banana Juice ay pampatigas lang ng tae at hindi gamot sa pagtatae. Upang maging Normal lang ang pagtae ni baby at hindi maging sanhi ng dehydration. Huwag kalimutan at maging kampante kaylangan din painumin ng gamot na inereseta ng Pedia. Araw arawin at gabi-gabihin ang pagpapainom ng Banana Latondan Juice na parang karaniwang pagpapadede. Kung ang ginawang Banana juice ay may natira at lumampas ng 4hours or Higit pa kaylangan palitan na ito dahil nagiging lasang maasim at kung papainom mo pa sa anak mo baka lalong magtae at maging sanhi pa ng pagkamatay ni baby "Wag naman sana, ano huh?!

Kung magpapabili ka ng saging kaylangan pang isang araw o dalawang araw na gamitan lang muna baka kase pag bumili ka ng napakarami o pang isang linggo, baka mahinog ng mahinog ng mahinog yan maglasang maasim na lalong sayang o kayay pag ginamit mo baka lalong mag tae si baby.

Sanay nakatulong ang munti kong payo sa nagtatae nyong mga baby at syempre sa inyo.

Maraming salamat at kung meron kayong katanungan tungkol or hinggil sa paksang ito wag kayong matatakot o mahihiya o kaya naman ay magdadalawang isip. Sumulat lang kayo sa akin o kaya'y tumawag at mag text or mag message aking facebook account. Sapagkat ang inyong ka-Blog ay laging dadamay sa iyong problema maging ito ay kalusugan o sa inyong minamahal.

asprimero@yahoo.com message me or PM me!
Call or Text
09199344744 Smart
09276299197 Globe
09327537350 Sun


pag mag tetext kayo i-type nyo ang "BLOG your name/your text message"
example :
BLOG Kuya Jhun/Salamat po ng marami!

28 comments:

Anonymous said...

salamat sa karagdagang kaalaman marami pa sana makabasa dito sapagkat nagdurogtong kau ng buhay,,,,,,,

unggoy ungguyan said...

bka nman po lalo pang magtaetae ang bata, diba ang saging ay pang patae, at bka mahirapan pa ang bata sa pag tatae.. wat is the rationale sa pagkain ng saging pag may diarrhea? pls. answer my question? thank you!!

LATONDAN ONLY said...

Tandaan mo ang saging na LATONDAN! maraming mga saging may saba, may siƱorita, gloria, pero ang bibilin mong saging ay LATONDAN. Mabisa yan sa panlunas ng pagtatae!

Yang nga ang rationale, LATONDAN lang na saging ang bibilin mo eh, wag kang bibili ng kung ano-anong saging.

BUY LATONDAN ONLY! LATONDAN, LATONDAN, LATONDAN, LATONDAN! kahit kainin mo yan sa umaga pag gising mo sa tanghali sa hapon sa gabi, hindi sasakit ang tyan mo! Kahit gawin mo pang ulam at kanin yan!

Anonymous said...

100% Tama po nakakapag pagaling at nakakalunas sa pagtatae ng bata.

Anonymous said...

Working po, Halos 3days na nagtatae at suka ang anak ko, nang gumawa ako ng Juice na Latondan, napatigas ang tae at hindi na nagsuka pa si Baby at hanggang sa tuluyan nang gumaling, Natural way po sya at walang halos chemical kaya napaka safe po para sa baby, walang side effects, kala ko nga po nang una binasa ko ang Blog kala ko nagpapatawa lang pero seryoso na pala sya!

Anonymous said...

ung gatas po ng anak q bearbrand 3 scoop lng po ba ilalagay dun?mliit po kc scoop nun

Anonymous said...

ung gatas po ng anak q bearbrand 3 scoop lng po ba ilalagay dun?mliit po kc scoop nun

Unknown said...

Pwd din po ba ang latundan sa 26years old na nagtatae tae?

Unknown said...

Pwd din po ba ang latundan sa 26years old na nagtatae tae?

jhinkyalsim said...

bukod poh sa latundan anu pa poh ang pwedeng kainin ng anak ko...pls pakisagot poh

Anonymous said...

puwede po bng uminom ng gatas o formula ang baby ko 2days na po xa ngtatae glucolyte lang po kc ang tnetake nya ngayon..pls ans' tnx po

Unknown said...

Para nman sa hndi maka dumi matigas ang dumi anung uri n saging ang kakainin?? Hope makatulong sa pagsagot

Anonymous said...

Will try this, thank you sa idea!

Unknown said...

Sir ask ko lang po. Pano po gumawa ng site na gaya nito. Kungbmatutulungan nyo po sana ako sir. Salamat po!

Unknown said...

Sir pwdi po ba Yan sa 1 year old ? 3 days na po kasing nag tatae baby ko ii .. nakakaworred na po ii .. pwdi po ba yan ?

Unknown said...

Naduduwal duwal din po kasi baby ko ii ..

Unknown said...

gud pm poh pwde poh b yan sa 1year old nd 2months?kasi anak k 4days n xang nagtatae pero malakas xa uminom ng tubig at pgdede.pinainom k xa pedialyte ayaw naman nia.poop nia kulay yellow n basa

Unknown said...

gud pm poh pwde poh b yan sa 1year old nd 2months?kasi anak k 4days n xang nagtatae pero malakas xa uminom ng tubig at pgdede.pinainom k xa pedialyte ayaw naman nia.poop nia kulay yellow n basa

kikomj said...

Elow po ung po bng latundan n saging ung kulay po s loob eh madilaw2 ung mismo kakainin salamt

Unknown said...

Isang linggo na po ngayong araw ang pagtatae ng anak ko..pero ganon pa rin napainom ko naman siya ng reseta ng doctor ganon pa rin naman..ang tae niya eh parang suka na may buo buo na di maintindihan..pero malakas naman siya magdede at kumain nakakapaglaro naman..pero nakailang popo na siya kagabi at hanggang ngaying mag uumaga ?ano kaya dapat kong gawin please paki sagot naman po ngayon din po sanang umaga para magawa ko na po dapat kong gawin..salamat po..

Unknown said...

good day po sana po matulongan nyu po aku anak ko po 2mnths pa po pwde na po ba sya ng ganyan gamot po..plss

Unknown said...

Paanu kung ang tae ay m halung sipon?

Unknown said...

Sbi po kc tubig DW na m sipon ang tae ng pamangkin ko?/anu po ba gamot nyan

Unknown said...

Hindi rin po lahat no. yung anak ko pg kumakain ng latondan kahit di man ngtatae ung dumi basa at dun na siya simula magtae dahil sa latondan kaya di po lahat hiyang ang saging. just my opinion po ✌

Anonymous said...

sir ung 7oz po na un pwede ipakain sa baby ipapaubos po ba un or pwede kahit d naman maubOs, tapos yung dehydration salt ba un ung ORS? tubig un na may salt and sugar daw. thanks po nagtatae anak ko 6days nA pero noresetahan na sya ganun pa din naman tae nyA basa ..

Anonymous said...

Maraming klase ng saging kung na ag ka bilin mo lang yung binanggit na pangalan ng saging.

Anonymous said...

Kahit di nya maubos basta uminom sya uulit-ulitin nyang uminom. Pero After 4hr. Itapon mo na baka masira.

Anonymous said...

Kaya nga sabi latundan magbasa ka